Ipinaskil ni: alagadnibebangdiwata | Setyembre 29, 2009

Isa Akong Negosyanteng Tomasino!

“Unahin mo muna ang pag-seserbisyo sa iba bago sarili. Nakatulong ka na, bumenta ka pa.”

Isang mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Komersiyo si Aster Vittorio Curva. Siya ay labim-pitong taong gulang at nakatira sa 94 Road 13 Pag-Asa, Quezon City. “’Di ko talaga masabi kung anung klaseng tao ako. ‘Di ko masabi kung funny ba ako dahil kayo lang ang makapagsasabi nun,” ang kwento ni Aster, “ang ang masasabi ko lang ay masarap at makukulay talaga ang tinda kong polvoron at clay accessories na galing sa puso ko.”

DSC00595

Nagsimula ang negosyong polvoron ni Aster sa kanyang lola. Ang Lola Leonila Dagang niya ay mahilig mag-luto ng polvoron. Iba ito sa ibang polvoron, dahil kapag ito ay kinain mo hindi ito dumidikit sa ngala-ngala. May sikretong sangkap si Lola kaya ito napapasarap ng ganoon. Mula sa libangan naisip ni Aster na tumulong sa negosyo. Kailan lamang ito nag-simula. Una niyang mamimili ay ang mga blockmates niya sa UST. “Kapag hindi masarap, money back” iyan ang kakaibang selling point ni Aster. Ito ay parang free taste rin kung tawagin. Kadalasan ay ang lola at tita niya lamang ang nagtitinda ng mga polvoron pero sa unang araw ng pagtitinda ni Aster ay malaki naman ang kanyang nabenta.

Si Juno at Janina Javier ay mga pinsan ni Aster. Sila ang nag-simula ng pag-labas ng mga clay accessories. Gaya ng polvoron, galing din ito sa libangan hanggang sa naging negosyo. Isang family secret ang paraan ng paggawa ng mga clay accessories kaya hindi ganun ka-popular ang kanilang kompetisyon. Si Aster ay isang ka-sosyo sa negosyong ito. Katulong si Aster ng mag-kapatid sa pagbebenta. Nag-click naman ito dahil sa pagiging cute at hip.

Ang madalas na pagbentahan ni Aster ng polvoron ay ang mga matatanda dahil hindi naman sila fan ng cute at hip na mga clay accessories, kaya ang mga ito ay mas patok sa mga kabataan.

Dahil sa patuloy na ebolusyon nga mga produkto at globalisasyon, ang Internet ay naging ka-agapay na nila sa pag-aadvertise ng kanilang mga produkto. Ito ay sa site ng Multiply. Sa Multiply site naka-saad ang kumpletong impormasyon ng produkto – paano ito mabibili, magkano at iba pa. Dahil sa matatag na pundasyon ng sarap at maayos na produksyon, hindi mapigilan ng mga m amimili na i-rekuminda ang mga polvoron at clay accessories sa kanilang mga kakilala at ito ay nakakatulong din sa pag-lakas ng benta.

DSC00599“Hindi naman ganun kalaki ang puhunan. Usually sa polvoron ay nasa P300 lang at sa clay accessories ay siguro mga P400,” ang mainam na tugon ni Aster. Ang pangunahing gawaan ng mga produkto ay sa bahay lamang nila kaya hindi malakas ang labas ng pera.

Kasama sa pag-nenegosyo ang mga problema. Dahil bago palang naman ang negosyo nila Aster ito ay humaharap lamang sa mga pangkaraniwang problema – mahinang benta at panget na kumento sa produkto – na madali namang nareresulbahan. “Kapag nagkaka-problema kailangan humanap ng inspirasyon. Kagaya ko, kailangan ko ng pera kaya ako nag-tatrabaho,” ang kwento ni Aster. Dagdag pa niya na mahalaga ang mga kumento dahil ito ang nakatutulong sa pag-iinnovate ng mga produkto.

Ayon din kay Aster, ang pagmamahal sa trabaho ang unang dapat na meron ang isang negosyante. Ito yaong tinatawag na Compassion. Susunod diyan ang Commitment. Ito naman yaong walang sukatan ang pag-tatrabaho – walang hinihintay na kapalit. At kapag pinag-sama ang dalawang ‘yan ang resulta ay Competent. Kaya nang makipag-sabayan ng mga produkto sa loob at labas ng bansa – katas ng pagmamahal at pagiging dedikado. Ang mga katangiang iyan ay taglay ng lahat ng Tomasino. Dugtong pa ni Aster, “As a starter, ina-apply ko na yung 3 C’s na tinuro ng UST. Unahin mo muna ang pag-seserbisyo sa iba bago sarili. Nakatulong ka na, bumenta ka pa.”

Ipinaskil ni: alagadnibebangdiwata | Setyembre 28, 2009

TULONG TOMASINO: Donation Drive for the Ondoy Victims

FROM CSC:

In the midst of hard times, once again, we Thomasians have shown the spirit of unity and brotherhood and we made each other reach and lie on stable grounds. Let us thank God, our shield, because He served as a sturdy wall to protect us. Let us all pray not only for ourselves but to our fellow Filipinos, who have been affected.

We salute the courage of every Thomasian who has stood strong despite the presence of this apparent danger.

We have helped each other and now it is the time to help those people who were really hit by the typhoon.

For those who want to donate canned goods, clothes, etc. to help the typhoon victims, kindly communicate with the Central Student Council Committee on Community Development on SEPTEMEBER 30, 2009.

We, Thomasians, stand on an indestructible rock of faith and hope; we have strengthen ours, now is the time to take the hands of others and keep the flame of faith and hope burning in them.

*Please repost! Please pass the CSC Advisory around. We have sent you this message, through SMS. Let’s not only pass SUSPENSION ADVISORIES but also this important message. UNITY. SOLIDARITY. LET’S ALL PUT UST ON TOP!

Ika-26 ng Setyembre taong 2009 ay nag-marka sa ating mga buhay — sa mga buhay ng mga Noypi. Lalo na sa mga lubhang nasalanta ng hagupit ni Bagyong Ondoy.

Ito ay malagim na trahedya para sa ating lahat ngunit sa masmaliwanag na parte ng buhay tayo tumingin. Ang kalamidad na ito ay nagbukas-daan sa bayanihan. Ito na ang pagkakataon nating tumulong. Ito rin ay malaking pangitain na tayong lahat ay kailangan nang magbalik-loob sa ating Panginoon. Hinayaan niya itong mangyari pata sa ating MASika-bubuti. Tayo na’t tumulong nang bayan ay sumulong!”

Mga Kategoriya